Ashton Part 2
"Wala ng upuan." sabi sakin ni Tony.
Naghanap naman ako sa canteen ng pwedeng upuan. May nakita ako. Dalawang bakanteng upuan. Kaya lang, doon sa table nina Ashton.
Ayoko...parang ayoko. Nakakahiya....
"Ayun, Ish! Dun tayo kina Ashton...may dalawang bakanteng upuan..." naunahan ako ni Tony. Sasabihin ko dapat maghintay na lang kami na may matapos pang kumain at saka na lang kami kumain.
"Ayoko Tony...nakakahiya..." angal ko.
"Bakit?" sabi niya sakin.
"Eh hindi naman tayo close mga yon bago makikisabay tayo?" pagdadahilan ko. Kalahating palusot, kalahating totoo.
"Sige na...arte naman nito. Halika na. Gutom na ko eh!" pangungulit niya sakin.
Eto na. Alam kong hindi na niya ko tititilan hanggang hindi ako pumapayag. Kailangan ng sumuko.
"Sige na...doon na..." sabi ko.
Pumunta kami doon, dala-dala ang plato ko.
Nakatingin nanaman siya. Si Ashton.
Napangiti nanaman ako ng di oras.
Naupo ako nang nakayuko at kumain rin nang nakayuko.
Ni hindi ko magawang ideretso ang ulo ko. Nasa harap ko pa naman si Ashton.
"Ano ba Mic! Naman! Tama na! Bumili ka naman, wag kang humingi nang humingi sakin." sabi ni Tony.
Tawanan lang naman nang tawanan sina Mic. Kasama na si Ashton.
Hindi ko alam kung anong pumasok sakin at tumingin ako kay Ashton.
"Isha...may gusto ka ba talaga kay Ashton? O dahil lang sa tingin niya kaya mo siya naging crush?"
Paulit-ulit yang tumutunog sa isip ko habang tahimik kong pinapanood si Ashton. Ang ganda pala ng ngiti niya. Bakit ngayon ko lang napansin? Kamuka niya pala si...yung crush kong artista. Ngayon ko lang napansin. Ang ganda pala ng mga mata niya. Oo, ngayon ko lang rin napansin.
Pano ko nga pala napansin yung mata niya?
Oooppp...!
Nakatingin pala sakin kanina pa at kanina pa din pala ako nakatingin sa kanya. Nagkatitigan na kami, right at thatmoment. Hindi ko yon namalayan. Mata lang niya ang nakita ko, right at that moment. Pero nung napansin kong nakatingin pala siya, para bang ang feeling ko eh may kamera na sa paligid naman.
"Isha, ano yan ha? Ashton...ahhh..." tukso nina Mic samin.
"Gagu." walang tonong sinabi ni Ashton.
Tapos nagtawanan na silang lahat.
Nakitawa na lang ako.
<< Home