P5.00 for 2? Mahal! e2 n lng, P2.50 ang isa...

mga storyang pampapurga ni Boyet

Monday, March 27, 2006

Ashton Part 5

Tatlong araw ko nang katext si Ashton pero di ko pa rin sya ganon kakilala. Napakamasikretong tao.

Akala ko hindi ko na siya makakausap kahit kelan. Nagalit kasi siya nung araw na yon. Hindi naman dahil sakin. Dahil kay Jun. May ginawa kasing kung ano na kinaasar ni Ashton.

Di ko talaga alam na mangyayari ang mangyayari.

Uwian noon. Nagyaya silang maglakad. Kami. Si Prina, Tony, Yullah, Ashton, Mic, Jun, Maurice, Geo at ako.

Super OP kami ni Mic. Pano kasi, sila-sila eh....sabihin na nating... nakikipag-flirt sa isat-isa. Di ko alam kung anong gagawin ko non. Gusto kong dumaldal pero hindi ko kaya. Mapahiya pa ko.

Maya-maya, tumabi sakin si Ashton. Hindi ko siya kinibo.

Tapos narinig ko siya, binulungan ako.

"Isha, peram panyo..."

Kinuha ko naman yung panyo ko sa bulsa ko at binigay iyon sa kanya.

"Thanks."

Tapos, tumigil siyang maglakad.

Walang nakapansin, ako lang. Hindi na lang uli ako kumibo. Nakita ko, hinulog niya yung panyo ko. HINULOG.

Tapos dinampot niya, tumayo.

"Oy, kaninong panyo 'to?" sabi niya.

Nagets ko yung ginagawa niya. Bakit kaya niya ko gustong pumunta doon? May sasabihin kaya?

"Akin yan" sabi ko.

Tumakbo ako papunta sa kanya. Kinuha ko yung panyo ko.

"Maki-ride ka na lang ha" sabi niya na alng sakin.

"SAK-BANG!" sigaw ni Ashton. "Taya si Jun!!!"

Agad niyang hinawakan ang kamay ko at tumakbo kami. Narinig kong nagtilian sina Prina, Tony at Yullah.

"Bilis Maurice!" sabi ni Yullah.

"San tayo magtatago?" naririnig kong sinasabi nila.

"gau tong si Ashton! Ako pa ginawang taya!!!" angal ni Jun. " One, two, three, four..." bilang nito.

Unti-unti nang nawawala ang mga boses nila dahil palayo na kami nang palayo ni Ashton.

"San ba tayo pupunta?" tanong ko.

Hindi siya sumasagot.

Nakarating na kami sa school.

"Hoy Ashton, san ba talaga tayo pupunta?" sabi ko.

Tumigil kami sa ilalim ng isang balete tree.

"Tinatakot---"

Natigilan ako. Hinila nya na lang ako bigla at sabay yakap sakin. Nanghina ako at nanlambot ang tuhod ko.

"Mahal na kita, Isha!" sabi niya sakin.

Nabigla ako sa sinabi niya. Sa tatlong araw naming pagtetext, nahulog siya sakin? Hindi kaya, obsession lang yon? Infatuation? Hallucination?

"Ashton...?" sabi ko. Hindi ako makagalaw. Yakap-yakap niya pa rin ako.

"Sorry pero mahal talaga kita..." sabi niya sakin.

Sa mga oras na yon, hindi ko alam ang isasagot ko. Sasabihin ko rin bang mahal ko rin siya...kahit na hindi naman talaga? Bakit ganon siya kabilis madevelop sakin? Diba dapat matagal?

Ang daming mga tanong na pumapasok sa isip ko.

Wala namang mga sagot.

"Tandaan mo na lang na nagsorry ako sayo..." sabi sakin ni Ashton.

Tapos hinawakan niya uli ang kamay ko at naglakad kami palabas ng school.

"Wag kang aalis sa tabi ko..." sabi niya sakin. "Hoy mga kumag. Tama na yan. Uwi na tayo" sabi niya sa tropa at agad namang tumigil ang tropa.

"Sayang! Masasa-sak ko na si Jun!" sabi ni Mic.

Tumingin sakin si Ashton. Pasimple niya kong hinawakan sa may bewang at hinila palapit sa kanya.

"Tumabi ka lang sakin..." sabi niya, pabulong. Tinaggal niya ang braso niya sa bewang ko.

Hinawakan niya ang kamay ko sa bulsa ko. Akala ko bibitawan niya na yon doon. Hindi pala.

Magkahawak ang kamay namin sa bulsa ko habang naglalakad kami.