P5.00 for 2? Mahal! e2 n lng, P2.50 ang isa...

mga storyang pampapurga ni Boyet

Monday, March 27, 2006

Ashton Part 3

"Isha, hoy!"

Huh!?

Nagising ako.

Kanina nasa bahay ako. Nanonood ng TV. Kumakain ng Bida. Nakatapat ang electric fan. Sarap ng buhay.

Nalaman ko...

Andito ako sa classroom. SS time. May surprise quiz at number 3 na sila.

"Henge ng crosswise sabi ko ng pabulong.

Sumenyas lang sakin si Prina na wala na.

Binuklat ko ang mga libro ko. Baka sakaling may naliligaw na crosswise. Pero wala.

Nagpapanic na ko dahil number 5 na sila.

Wala na akong choice, kukuha na lang ako ng notebook. Yun na lang ang ipapasa ko.

"O."

Biglang may umappear na papel sa harap ko. Crosswise.

Napatingin ako.

Si Ashton.

Hindi talaga crosswise yun. Hinati lang na 1 whole. akon yung lower part. Baku-bako at mamasa-masa pa sa laway niya.

Kinuha ko pa rin. Hindi dahil galing yun sa kanya kundi dahil wala na talaga akong mahanap na crosswise. Sige, kasama na yung pagka- ko sa knaya kaya ko tinanggap yung papel.

"Thank you." sabi ko. Iniwasan kong ngumiti.

inasahan kong sasagot siya pero hindi rin. Wala pa ring reaksyon.

Number 6 na ang nasagutan ko.

Tinignan ko si Prina. Masyado siyang malayo para hingin ko ang questions from 1 to 5.

Si Nestor lang at Ashton ang pwede kong pagtanungan. Kaya alng....si Nestor? Madamot yan.

Si Ashotn nanaman.

"Tatanungin ko ba 'to?" sigaw nanaman ng isip ko. "Isha, quiz ito. Grade ang nakasalalay, hindi oras para pairalin ang pagiging mahiyain."

Here it goes.

"Ashton, ano yung question sa number one?" tanong ko.

Tumingin siya sakin. Parang nakakatusok ang tingin niya.

"Mercantilism..."

Ha? Isip ko.

"Question," sabi ko ulit. "Number one."

"Sulat mo mercantilism." sabi niya.

Tumingin ako na nagtataka pero sinulat ko na rin.

"Sunod, East route."

Nagulat ako. Ba't niya sinasabi ang sagot? Are we close?

"Number three, monopoly."

Sulat naman ako.

"Four, Alfonso de Albuquerque."

Sulat ako. A-L-F-O-N-S-O D-E A-L-B-U--. Tumingin ako kay Ashton.

"Ano spelling?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam eh." sabi nito sabay tawa, "Hehe."

Noon ko lang narinig nang malinaw ang tawa niya. Nakakaloko pala. pinilit kong wag matawa rin. Mahirap. Buti na lang, ngiti lang ang naipakita ko.

Tumingin uli ako sa kanya. Nakangiti pa rin siya.

"Number seven..." sabi ng teacher, "who discovered Africa?"

"Easy..." isip ko, "sinagot ko yan nung recitation."

Nakita kong walang maisagot si Ashton.

"Bartholomeu Dias..." bulong ko kay Ashton.

Tumingin siya sakin.

"Bartholomeu Dias nga..." sabi ko.

Nginitian niya ako. Nginitian niya ako? Nginitian niya ko!!!

Dagdag pogi points yung ngiti niya. Gusto kong tumili sa mga oras na yon.

At nagpatuloy ang quiz, hindi na uli kumibo si Ashton. Balik na sa dati.

Natapos ang quiz, pareho kami ngh score ni Ashton. Pareho pa ng mga mali. Halatang-halatang nagkopyahan.

Okay lang...dahil doon, tinukso kami. Haha.

Finally, nagkaroon na ako ng lakas ng loob na kibuin siya.

"Ashton, peram naman ako ng cellphone..." medyo nahihiya ko pang sinabi.

"Low batt..." pagddahilan nito.

"Ow" sabi ko.

Bigla na lang niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya. Tapos, basta niya na lang yon inabot sakin.

Bigla na lang pumasok sa isip kong i-save ang number ko sa cellphone niya. At least, hindi ko hiningi sa kanya ang number niya.

Nang matapos kong gawin ang naisip ko, binalik ko na kay Ashton ang cellphone niya.

"Anong ginawa mo?"

"Sinave ko lang number ko..." sabi ko.

Tapos kinuha niya yung cellphone niya. May ginawa siya. Di ko lam kung ano.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko. May message.

Hindi ko kilala ang number. Nakalagay lang "Para?"

Tumingin ako kay Ashton. Nakatingin lang siya sa cellphone niya. May kinakalikot pa rin.

Siya kaya yung nagtext sakin? Rereplyan ko ba? Sige. Kung hindi naman siya yun eh okay lang. Kung siya siya, edi ayos.

"Pra wla lng" sabi ko sa text.

Hindi na siya nagreply matapos non.

Eh siya nga ba yon?