P5.00 for 2? Mahal! e2 n lng, P2.50 ang isa...

mga storyang pampapurga ni Boyet

Monday, March 27, 2006

-BLANKO-

ang susunod niyong mababasa ay mabisang pampapurga. kaya kung maaari'y maghanda na ng tissue sa tabi.

oo nga pala, ang ending niyan ay nasa akin. hindi ko tinaype. tinamad ako kasi nasa isang pilas lang yun ng notebook...kaya ayun...

ENJOY niyo na lang ang 1st story ko. marami pang dadating...

Ashton Part 1

Hindi ko alam na crush ko pala siya. Kelan ko lang nalaman.

Nakaupo ako, nagbabasa ng binili kong libro sa isang second-hand store. Andun na ako sa part na hahalikan na dapat ng ng lalake yung babae nang umentra ang ang kaklase kong si Jun.

"Isha, asan yung panyo mo?" sabi nito sakin.

Tumingin ako sa desk ko, kinapa ko ang bulsa ko at binuksan ang bag ko. Wala doon sa mga yon ang panyo ko.

"Jun..." sabi ko na na nakatingin ng masama sa kanya.

"Oah...ako nanaman?" sabi ni Jun na nakahawak sa dibdib. "Wala sakin Isha, na kay A.J.."

Tuminigin ako kay A.J.

"What? Wala sa akin,o. I didn't take yung panyo mo. Si Jun yon..." sabi ni A.J..

Pagkatingin ko kay Jun, nahuli ko siyang kinukuha ang bolpen ko at nakita ko pa sa loob ng polo niya ang panyo ko.

"Jun...akin na..." sabi ko kay Jun.

"Hirr..." sabi niy sakin na inaAbot ang bolpen ko.

"Yung panyo ko?"

"Ayus 'to...wala sakin," sabi niya.

Mabilis kong hinila ang polo niya para mahulog ang panyo ko.

"Ayan, o, ayan!" sabi ko. Iniipit niya ang panyo ko para hindi ko makuha kaya naman hinila ko na rin ang panyo ko at hindi na hinintay pang bumagsak iyon.

"Oah...touching, ha....touching!" kantyaw ni Jun.

Kala niya titigil ako sa 'mamalisya' niyang tukso? Hinde. Tuloy pa rin ako sa pagkuha ng panyo ko.

At last. Victory is mine.

I have my hanky.

I have my pen.

I have...I have...

I have Ashton's eyes on me.

He gave a serious, mysterious, quiet look.

Si Ashton? Yung medyo maloko kong classmate na simula Grade 1 pa eh hindi ko nakausap ng matino?

Alam ko, palagi naman siyang ganon tumingin pero...bakit parang kakaiba ang feeling ko sa mga oras na yon?

Nginitian ko siya. Pilit. Yung para bang hindi sinasadya.

At as usual naman, hindi niya ibabalik ang ngiti na binigay mo sa kanya. And for that moment, nagkaroon ako ng crush sa kanya.

Bakit? Yung tingin, yung tingin at yung tingin.

For now, yun palang ang madadahilan ko kung bakit ko siya naging crush. Naisip ko nga, baka hindi ko naman talaga siya crush. Baka nadala lang ako sa pinakita niyang tingin sakin.

Baka nga ganon lang.

Obsession.

Hallucination.

Infatuation.

Ashton Part 2

"Wala ng upuan." sabi sakin ni Tony.

Naghanap naman ako sa canteen ng pwedeng upuan. May nakita ako. Dalawang bakanteng upuan. Kaya lang, doon sa table nina Ashton.

Ayoko...parang ayoko. Nakakahiya....

"Ayun, Ish! Dun tayo kina Ashton...may dalawang bakanteng upuan..." naunahan ako ni Tony. Sasabihin ko dapat maghintay na lang kami na may matapos pang kumain at saka na lang kami kumain.

"Ayoko Tony...nakakahiya..." angal ko.

"Bakit?" sabi niya sakin.

"Eh hindi naman tayo close mga yon bago makikisabay tayo?" pagdadahilan ko. Kalahating palusot, kalahating totoo.

"Sige na...arte naman nito. Halika na. Gutom na ko eh!" pangungulit niya sakin.

Eto na. Alam kong hindi na niya ko tititilan hanggang hindi ako pumapayag. Kailangan ng sumuko.

"Sige na...doon na..." sabi ko.

Pumunta kami doon, dala-dala ang plato ko.

Nakatingin nanaman siya. Si Ashton.

Napangiti nanaman ako ng di oras.

Naupo ako nang nakayuko at kumain rin nang nakayuko.

Ni hindi ko magawang ideretso ang ulo ko. Nasa harap ko pa naman si Ashton.

"Ano ba Mic! Naman! Tama na! Bumili ka naman, wag kang humingi nang humingi sakin." sabi ni Tony.

Tawanan lang naman nang tawanan sina Mic. Kasama na si Ashton.

Hindi ko alam kung anong pumasok sakin at tumingin ako kay Ashton.

"Isha...may gusto ka ba talaga kay Ashton? O dahil lang sa tingin niya kaya mo siya naging crush?"

Paulit-ulit yang tumutunog sa isip ko habang tahimik kong pinapanood si Ashton. Ang ganda pala ng ngiti niya. Bakit ngayon ko lang napansin? Kamuka niya pala si...yung crush kong artista. Ngayon ko lang napansin. Ang ganda pala ng mga mata niya. Oo, ngayon ko lang rin napansin.

Pano ko nga pala napansin yung mata niya?

Oooppp...!

Nakatingin pala sakin kanina pa at kanina pa din pala ako nakatingin sa kanya. Nagkatitigan na kami, right at thatmoment. Hindi ko yon namalayan. Mata lang niya ang nakita ko, right at that moment. Pero nung napansin kong nakatingin pala siya, para bang ang feeling ko eh may kamera na sa paligid naman. Para ng TV show. Pero biglang may nag-cut.

"Isha, ano yan ha? Ashton...ahhh..." tukso nina Mic samin.

"Gagu." walang tonong sinabi ni Ashton.

Tapos nagtawanan na silang lahat.

Nakitawa na lang ako.

Ashton Part 3

"Isha, hoy!"

Huh!?

Nagising ako.

Kanina nasa bahay ako. Nanonood ng TV. Kumakain ng Bida. Nakatapat ang electric fan. Sarap ng buhay.

Nalaman ko...

Andito ako sa classroom. SS time. May surprise quiz at number 3 na sila.

"Henge ng crosswise sabi ko ng pabulong.

Sumenyas lang sakin si Prina na wala na.

Binuklat ko ang mga libro ko. Baka sakaling may naliligaw na crosswise. Pero wala.

Nagpapanic na ko dahil number 5 na sila.

Wala na akong choice, kukuha na lang ako ng notebook. Yun na lang ang ipapasa ko.

"O."

Biglang may umappear na papel sa harap ko. Crosswise.

Napatingin ako.

Si Ashton.

Hindi talaga crosswise yun. Hinati lang na 1 whole. akon yung lower part. Baku-bako at mamasa-masa pa sa laway niya.

Kinuha ko pa rin. Hindi dahil galing yun sa kanya kundi dahil wala na talaga akong mahanap na crosswise. Sige, kasama na yung pagka- ko sa knaya kaya ko tinanggap yung papel.

"Thank you." sabi ko. Iniwasan kong ngumiti.

inasahan kong sasagot siya pero hindi rin. Wala pa ring reaksyon.

Number 6 na ang nasagutan ko.

Tinignan ko si Prina. Masyado siyang malayo para hingin ko ang questions from 1 to 5.

Si Nestor lang at Ashton ang pwede kong pagtanungan. Kaya alng....si Nestor? Madamot yan.

Si Ashotn nanaman.

"Tatanungin ko ba 'to?" sigaw nanaman ng isip ko. "Isha, quiz ito. Grade ang nakasalalay, hindi oras para pairalin ang pagiging mahiyain."

Here it goes.

"Ashton, ano yung question sa number one?" tanong ko.

Tumingin siya sakin. Parang nakakatusok ang tingin niya.

"Mercantilism..."

Ha? Isip ko.

"Question," sabi ko ulit. "Number one."

"Sulat mo mercantilism." sabi niya.

Tumingin ako na nagtataka pero sinulat ko na rin.

"Sunod, East route."

Nagulat ako. Ba't niya sinasabi ang sagot? Are we close?

"Number three, monopoly."

Sulat naman ako.

"Four, Alfonso de Albuquerque."

Sulat ako. A-L-F-O-N-S-O D-E A-L-B-U--. Tumingin ako kay Ashton.

"Ano spelling?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam eh." sabi nito sabay tawa, "Hehe."

Noon ko lang narinig nang malinaw ang tawa niya. Nakakaloko pala. pinilit kong wag matawa rin. Mahirap. Buti na lang, ngiti lang ang naipakita ko.

Tumingin uli ako sa kanya. Nakangiti pa rin siya.

"Number seven..." sabi ng teacher, "who discovered Africa?"

"Easy..." isip ko, "sinagot ko yan nung recitation."

Nakita kong walang maisagot si Ashton.

"Bartholomeu Dias..." bulong ko kay Ashton.

Tumingin siya sakin.

"Bartholomeu Dias nga..." sabi ko.

Nginitian niya ako. Nginitian niya ako? Nginitian niya ko!!!

Dagdag pogi points yung ngiti niya. Gusto kong tumili sa mga oras na yon.

At nagpatuloy ang quiz, hindi na uli kumibo si Ashton. Balik na sa dati.

Natapos ang quiz, pareho kami ngh score ni Ashton. Pareho pa ng mga mali. Halatang-halatang nagkopyahan.

Okay lang...dahil doon, tinukso kami. Haha.

Finally, nagkaroon na ako ng lakas ng loob na kibuin siya.

"Ashton, peram naman ako ng cellphone..." medyo nahihiya ko pang sinabi.

"Low batt..." pagddahilan nito.

"Ow" sabi ko.

Bigla na lang niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya. Tapos, basta niya na lang yon inabot sakin.

Bigla na lang pumasok sa isip kong i-save ang number ko sa cellphone niya. At least, hindi ko hiningi sa kanya ang number niya.

Nang matapos kong gawin ang naisip ko, binalik ko na kay Ashton ang cellphone niya.

"Anong ginawa mo?"

"Sinave ko lang number ko..." sabi ko.

Tapos kinuha niya yung cellphone niya. May ginawa siya. Di ko lam kung ano.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko. May message.

Hindi ko kilala ang number. Nakalagay lang "Para?"

Tumingin ako kay Ashton. Nakatingin lang siya sa cellphone niya. May kinakalikot pa rin.

Siya kaya yung nagtext sakin? Rereplyan ko ba? Sige. Kung hindi naman siya yun eh okay lang. Kung siya siya, edi ayos.

"Pra wla lng" sabi ko sa text.

Hindi na siya nagreply matapos non.

Eh siya nga ba yon?

Ashton Part 4

Nagulat ako. Tinanong ba naman sakin ni Prina.

"Crush mo ba si Ashton?"

Naalala ko, may nakaraan nga pala sila ni Ashton. Di ko tuloy alam ang isasagot ko.

"Ha?" sabi ko.

"Wala....Kamusta nga pala kayo ni..."

Yun na lang ang mga narinig ko dahil dumaan si Ashton sa harap ko. Dumaan lang? Yun lang? Hindi...nakatingin siya...kasi...nakatulala ako.

hay...ang cute niya...

"Hoy Ish!"

Nagdaydream nanaman ako!

"O?" sabi ko.

"Sabi ko, kamusta na kayo ni Geo?" sabi ni Prina.

"Ha? Bakit? Anong kamusta? Ano bang meron?"

Honestly, Hindi ko talaga alam ang ibig niyang sabihin.

"Ah...hindi pa niya sinasabi..." sabi ni Prina.

Alam ko na. May gusto sakin si Geo. Dati ko pa napansin yon. One week after ng break-up nila ni Prina, nag-iba ang ugali sakin ni Geo. Madalas niya kong sabayan pauwi. Kunyari, hindi ko pa alam.

Oo, may nakaraan nanaman sila ni Prina.

Yun ang pinagtataka ko palagi. Lahat ng nagkakagusto sakin eh kung hindi nanligaw eh nagkagusto na sa isa sa mga kaibigan ko.

Si Geo, kay Prina.

Si Nathaniel naman at Jun kay Tony.

At ngayon, feeling ko, si Maurice naman, kay Yullah naman yon.

"Sige, gagawa muna ako ng assignment sa English ha" paalam sakin ni Prina. Tumayo siya at umalis.

Sabay namang dating ni Geo. Umupo siya sa inuupuan ni Prina kanina.

"Hi Ish!" bati nito sakin.

"Hi din..." sabi ko naman.

"Pwede bang manligaw?" sabi nito sakin.

HIndi ako sumagot.

"Hehe...joke lang" sabi nito.

Ewan. Joke is 70% true. (from Joyce) Anong joke lang? Alam ko totoo yon. Umbagan kaya kita. Joke-joke pa!

"Sabay uli ako mamayang uwian ha..." sabi nito sakin.

Baka ihatid ang ibig mong sabihin. Sabay pa ang ginamit...

"Shorba" sabi ko.

"Sige bye Ish...text na lang kita!" sabi nito. Tumayo siya at...

NEXT PLEASE...

Umupo si Maurice sa tabi ko. Tahimik lang siyang naupo sa tabi ko at di ko alam kung anong pakay niya. Mabubusog ba siya pag tinignan niya ko? Weirdong lalake.

"Ang gara" sabi nito.

"Eto ba?" sabi ko, tinutukoy yung bracelet na ginagawa ko.,

"Tange, sapatos ko" sabi nito.

I made a face. Un ugly one.

"Hehe...joke lang...bati na, o" sabi nito sakin habang sumesenyas ng 'appear'.

Nag-appear naman ako. Sama ko naman kung snob lang diba?

"Turuan mo naman ako niyan" sabi ni Maurice sakin. Nilapit niya ang muka niya sakin. Napailag ako pero, okay lang.

"Ganto yan, o manood ka..." sabi ko habang pinagpapatong-patong ang mga tali ng bracelet.

"Peram nga..." sabi nito sakin. Kinuha niya iyong ginagawa ko. "Ganto ba?"

"Hindi..." sabi ko habang tinututro sa kanya ang ama.

"Ano yan ha?" singit ng isang boses.

Si Ashton. Nanaman.

"Maurice, nababading ka na ba? Isha, binabanding mo ba yan?" sabi nito.

For the first time biniro niya ko. Tawa naman si ako.

Yun lang yun. tapos non, umalis na siya. anong ginawa niya? Inisip ko, baka inistorbo lang kami ni Maurice.

Asa pa, Isha.

Ashton Part 5

Tatlong araw ko nang katext si Ashton pero di ko pa rin sya ganon kakilala. Napakamasikretong tao.

Akala ko hindi ko na siya makakausap kahit kelan. Nagalit kasi siya nung araw na yon. Hindi naman dahil sakin. Dahil kay Jun. May ginawa kasing kung ano na kinaasar ni Ashton.

Di ko talaga alam na mangyayari ang mangyayari.

Uwian noon. Nagyaya silang maglakad. Kami. Si Prina, Tony, Yullah, Ashton, Mic, Jun, Maurice, Geo at ako.

Super OP kami ni Mic. Pano kasi, sila-sila eh....sabihin na nating... nakikipag-flirt sa isat-isa. Di ko alam kung anong gagawin ko non. Gusto kong dumaldal pero hindi ko kaya. Mapahiya pa ko.

Maya-maya, tumabi sakin si Ashton. Hindi ko siya kinibo.

Tapos narinig ko siya, binulungan ako.

"Isha, peram panyo..."

Kinuha ko naman yung panyo ko sa bulsa ko at binigay iyon sa kanya.

"Thanks."

Tapos, tumigil siyang maglakad.

Walang nakapansin, ako lang. Hindi na lang uli ako kumibo. Nakita ko, hinulog niya yung panyo ko. HINULOG.

Tapos dinampot niya, tumayo.

"Oy, kaninong panyo 'to?" sabi niya.

Nagets ko yung ginagawa niya. Bakit kaya niya ko gustong pumunta doon? May sasabihin kaya?

"Akin yan" sabi ko.

Tumakbo ako papunta sa kanya. Kinuha ko yung panyo ko.

"Maki-ride ka na lang ha" sabi niya na alng sakin.

"SAK-BANG!" sigaw ni Ashton. "Taya si Jun!!!"

Agad niyang hinawakan ang kamay ko at tumakbo kami. Narinig kong nagtilian sina Prina, Tony at Yullah.

"Bilis Maurice!" sabi ni Yullah.

"San tayo magtatago?" naririnig kong sinasabi nila.

"gau tong si Ashton! Ako pa ginawang taya!!!" angal ni Jun. " One, two, three, four..." bilang nito.

Unti-unti nang nawawala ang mga boses nila dahil palayo na kami nang palayo ni Ashton.

"San ba tayo pupunta?" tanong ko.

Hindi siya sumasagot.

Nakarating na kami sa school.

"Hoy Ashton, san ba talaga tayo pupunta?" sabi ko.

Tumigil kami sa ilalim ng isang balete tree.

"Tinatakot---"

Natigilan ako. Hinila nya na lang ako bigla at sabay yakap sakin. Nanghina ako at nanlambot ang tuhod ko.

"Mahal na kita, Isha!" sabi niya sakin.

Nabigla ako sa sinabi niya. Sa tatlong araw naming pagtetext, nahulog siya sakin? Hindi kaya, obsession lang yon? Infatuation? Hallucination?

"Ashton...?" sabi ko. Hindi ako makagalaw. Yakap-yakap niya pa rin ako.

"Sorry pero mahal talaga kita..." sabi niya sakin.

Sa mga oras na yon, hindi ko alam ang isasagot ko. Sasabihin ko rin bang mahal ko rin siya...kahit na hindi naman talaga? Bakit ganon siya kabilis madevelop sakin? Diba dapat matagal?

Ang daming mga tanong na pumapasok sa isip ko.

Wala namang mga sagot.

"Tandaan mo na lang na nagsorry ako sayo..." sabi sakin ni Ashton.

Tapos hinawakan niya uli ang kamay ko at naglakad kami palabas ng school.

"Wag kang aalis sa tabi ko..." sabi niya sakin. "Hoy mga kumag. Tama na yan. Uwi na tayo" sabi niya sa tropa at agad namang tumigil ang tropa.

"Sayang! Masasa-sak ko na si Jun!" sabi ni Mic.

Tumingin sakin si Ashton. Pasimple niya kong hinawakan sa may bewang at hinila palapit sa kanya.

"Tumabi ka lang sakin..." sabi niya, pabulong. Tinaggal niya ang braso niya sa bewang ko.

Hinawakan niya ang kamay ko sa bulsa ko. Akala ko bibitawan niya na yon doon. Hindi pala.

Magkahawak ang kamay namin sa bulsa ko habang naglalakad kami.